Sakaling manalo siya bilang pangulo sa susunod na halalan, hindi bibigyan ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ng anumang special treatment si Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Roxas sa Meet the Inquirer forum na bagaman naniniwala siyang walang anumang ginawang katiwalian o hindi kailanman nasangkot sa kurapsyon si Aquino, hindi pa rin maiiwasang may magsampa pa rin sa kaniya ng kaso pag-baba niya sa pwesto.
Kahit magka-partido at kahit pa inendorso siya ng Pangulo, tiniyak ni Roxas na patas niyang ita-trato ang mga kasong posibleng isampa kay Aquino.
Naniniwala si Roxas na walang kakaharaping kaso si Aquino, kahit pa sinasabi ng mga kritiko na maaari siyang makasuhan oras na matapos ang kaniyang termino dahil sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).