Ito ay matapos ihayag ni Duterte na tatakbo siyang pangulo ng bansa sa 2016 elections at maaring suportahan ng kanyang Partidong Demokratiko Pilipino o PDP-Laban ang Vice Presidential bid ni Marcos.
Ayon kay Marcos, mahalaga na malaman niya ang pinal na desisyon ni Duterte.
Pinasalamatan din ni Marcos si Duterte at PDP-Laban sa pagsuporta sa kanyang kandidatura.
Una rito, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na siya ang magiging running mate o vice-presidential candidate ni Duterte.
Sa ngayon ayon kay Marcos, bumubuo sila ng kanyang katandem na si Senador Miriam Defensor-Santiago ng isang ‘loose coalition’.
MOST READ
LATEST STORIES