Ito’y matapos madiskubre ng mga immigration agents na ang mamamahayag na si Lui Tsz Kin na dumating sa Pilipinas noong November 16 ay isa sa mga mamamahayag na nanigaw noon kay Pangulong Benigno Aquino III sa Bali, Indonesia noong 2013.
Ayon sa isang source ng Inquirer, nang dumating si Kin sa airport, lumabas ang pangalan nito sa immigration ‘blacklist’ kaya’t agad din itong pinabalik sa Hong Kong isang araw makaraan itong dumating sa bansa.
Lumitaw na si Kin ay isa sa siyam na mga Hong Kong journalist na nangantyaw kay Pangulong Aquino nang dumadalo ito sa 2013 APEC summit sa Bali, Indonesia kaya’t inilagay na sa listahan ng mga undesireable aliens ang mga ito.
Matatandaang noong August 13, 2013 Bali summit ng APEC, dumadaan sa hanay ng mga reporter si Pangulong Aquino nang pasigaw na nagtanong ang grupo ng mga reporters mula sa Hong Kong ukol sa Manila Bus Hostage crisis noong 2010.
Sa naturang hostage incident, walong Hong Kong residents ang nasawi sanhi ng palpak na rescue attempt ng puwersa ng Manila Police District.
Dahil sa paninigaw ng siyam na Hong Kong journalists, agad na ni-revoke ng Indonesian authorities ang credentials ng mga ito at pinagbawalang mag-cover pang muli ng mga APEC meeting.
Bukod sa mamamahayag, isang 29-taong gulang na Afghanistan national rin ang hindi pinahintulutang dumalo sa isang agricultural forum na gaganapin sana sa Laguna noong nakaraang linggo matapos lumitaw na sinusuporthan nito ang ISIS.