Isinugod ang aktor kaninang umaga sa Adventist Medical Center dahil sa pansamantalang pagtigil ng pagtibok ng puso nito.
Ayon sa mga ulat, diabetic ang aktor at nagkaroon ng mga impeksyon tulad ng pneumonia at sciatica.
Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sa isang Facebook post ay kinumpirma na rin ng direktor na si Brillante Mendoza ang pagkamatay ni Kristofer.
Ipinaabot ni Mendoza ang kanyang pakikiramay at sinabing mamimiss niya ang aktor na kanyang nakatrabaho sa ilang mga pelikula tulad ng Masahista , Slingshot, at Serbis.
Nakasama rin ng broadcast journalist at director na si Arlyn Dela Cruz-Bernal ang aktor sa ilang mga proyekto tulad ng Maratabat, Tibak, Pusit at Bubog.
Nagwagi si Kristofer ng Best Supporting Actor award sa Metro Manila Film Festival New Wave 2014 para sa Maratabat.
“A very intelligent actor. He acts by reacting and understanding each scene,” ani dela Cruz.
Nitong mga nakaraang buwan ay naging bahagi pa ng top-rating teleserye ni Coco Martin na ‘Ang Probinsyano’ si Kristofer.