BSP chief Nestor Espenilla, pumanaw na

Pumanaw na si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr. matapos ang pakikipaglaban sa tongue cancer, ayon sa mga source sa BSP.

Si Espenilla ay edad 60 sa kanyang pagpanaw.

Noong nakaraang buwan ay bumalik sa trabaho si Espenilla matapos ang higit 2 linggong medical leave.

Naitalaga si Espenilla bilang BSP governor noong July 2017.

Inanunsyo nito ang cancer diagnosis noong Pebrero ng nakaraang taon at sumailalim ito sa radiation therapy.

Si Espenilla ay dating deputy governor for the supervision and examination sector na in-charge sa pagdisiplina sa mga bangko.

Pinalitan ni Espenilla si dating BSP Governor Amando Tetangco Jr.

Samantala, sa pahayag ng Bangko Sentral nakasaad na agad itinalaga ng Monetary Board si Deputy Governor Almasara Cyd Tuano-Amador bilang BSP Officer-in-Charge hanggang may italaga si Pangulong Rodrigo Duterte na OIC o kapalit ni Espenilla.

 

 

Read more...