Ayon kay Capt. Patrick Jay Retumban, public affairs chief ng Philippine Army 2nd Infantry Division, napatay ang 2 pulis sa 15 minutong bakbakan sa tinatayang 10 rebelde sa Sitio Imbradan sa Barangay Mapaya alas 9:40 ng umaga.
Hindi pinangalanan ang nasawing mga pulis sa report ng militar.
Ang mga rebelde na mula sa Platoon Mike ng Kilusang Larangan Gurerilla ay papatakas mula sa pagtugis ng tropa ng gobyerno kasunod ng unang enkwentro sa Sitio Barungbong.
Tumakas ang mga rebelde at iniwan ang isang magazine na may .30 caliber ammunition, 2 cellphone at mga SIM cards, dalawang grenade launchers, medical kits at mga personal na gamit.
Ang bakbakan ay bahagi ng pursuit operations sa bayan ng Mansalay sa Oriental Mindoro matapos mapilitan ang mga tumakas na rebelde na pumunta sa boundary sa pagitan ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.
Una nang may napatay na 2 NPA rebels sa isa pang enkwentro sa Mansalay.