Ecstasy tablets, nakuha sa damit ng napatay na supplier sa Cebu City

Benjie Talisic, CDND

Mas mas marami pang party drugs ang narekober sa bulsa ng damit ng napatay na supplier sa Cebu City.

Ayon kay Chief Inspector Ronald Tero, Regional Special Operations Group sa Central Visayas (RSOG) chief, nakuha ang 19 ecstasy tablets  sa bulsa ng damit na suot ng suspek na si Ken Kenneth Rosales.

Si Rosales ay napatay sa shootout sa mga pulis araw ng Biyernes sa buy bust operation sa Barangay Zapatera sa Cebu City.

Sa naturang operasyon ay nakita ang ilang party drugs sa loob ng sasakyan ni Rosales.

Sinabi ni Tero na ang medical staff ng Cebu City Medical Center kung saan dinala ang suspek matapos ang shootout ang nakakita sa 19 tableta ng ecstasy at tinurn-over ang mga ito sa pulisya.

Ang nakuhang party drugs sa damit ng suspek ay tinatayang nagkakahalaga ng P28,600.

May nakuha ring P9,000 cash mula sa katawan ng suspek.

Read more...