DOH nagmamadaling mabakunahan ang halos ay 2 milyon katao laban sa tigdas

Inquirer file photo

Aabot sa higit sa dalawang milyong katao ang target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ng laban sa tigdas.

Sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na hindi lamang mga bata kundi maging ang mga senior citizen ay target ng kanilang massive immunization program.

Kasabay nito ay muling umapela ang kalihim sa publiko na magpunta sa mga health centers para sa kaukulang anti-measle vaccine.

Sa Metro Manila at ilang mga lugar sa bansa ay bukas na rin tuwing Sabado at Linggo ang mga health centers para mapaglingkuran ang publiko.

Sinabi ni Duque na bukod sa mga bata ay madali ring mahawa ng measles virus ang mga may edad dahil sa paghina ng kanilang resistensya.

Sa pinakahuling datos ng DOH, mahigit sa 11,000 na ang nahawa sa tigdas at 189 naman ang bilang mga naitalang namatay dulot sa iba’t ibang mga kumplikasyon ng nasabing sakit.

Read more...