Ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isa sa pinaka-matandang resort sa isla ng Boracay.
Ito ay makaraan silang kakitaan ng paglabag sa ilang environmental laws.
Ang ipinasara ng DENR ay ang Boracay Plaza Beach Resort na matatagpuan sa Station 1.
Ayon sa advisory ng kagawaran, nag-ooperate pa rin ng walang kaukulang permits at clearances ang nasabing resort sa kabila ng inilunsad na rehabilitasyon ng pamahalaan noong nakalipas na taon.
Ang Boracay Plaza Beach Resort ang siyang kauna-unahang establishimento na ipinasara ng gobyerno mula ng muling buksan ang nasabing isla sa publiko.
Napag-alaman na lumabag ang nasabing resort sa required coastal at road eastment para sa mga establishmento sa isla.
Binigyang-diin ng DENR na halos sakupin na ng nasabing resort ang kalsada sa harapan nito.
Nilinaw pa ng kagawaran na mananatiling mahigpit ang kanilang pagbabantay sa isla para mapanatili ang kaayusan nito.