Japanese minister 3 minutong late sa meeting, nag-sorry

AP photo

Nagpublic apology si Japanese Olympics Minister Yoshitaka Sakurada matapos itong ma-late ng tatlong minuto sa parliamentary meeting araw ng Huwebes.

Binatikos ng members of parliament ng oposisyon ang pagiging late ni Sakurada na anila’y kawalan umano ng respesto sa kanyang tanggapan.

Binoycott din ng Oppostion MPs ang meeting ng budget committee sa loob ng limang oras bilang protesta.

Hindi ito ang unang beses na nabatikos ang opisyal matapos masangkot sa samu’t saring kontrobersiya.

Noong nakaraang linggo ay nagbigay ng pahayag si Sakurada tungkol sa swimmer na Rikako Ikee na na-diagnose sa sakit na leukemia.

Iginiit ni Sakurada na siya ay disappointed dahil may tyansa sana umanong magkamit ng gintong medalya sa Olympics si Ikee.

Dahil sa pahayag ay binatikos si Sakurada at nag-sorry.

Noong Oktubre ay nasangkot din ang opisyal matapos sabihing hindi siya kailanman nakagamit ng computer gayong siya ay itinalaga bilang cyber-security minister ng Japan.

Anya, lagi lamang siyang nag-uutos sa kanyang mga tauhan.

Makailang beses nang inihirit ng oposisyon na magbitiw na sa kanyang mga pwesto si Sakurada.

Read more...