Sunog sumiklab sa gusali ng BOC at Parola Compound

Kuha ni Jong Manlapaz

(Update) Dalawang sunog ang sumiklab sa magkahiwalay na lugar sa Maynila na nagsimula Biyernes ng gabi.

Unang nasunog ang gusali ng Bureau of Customs (BOC) sa South Harbour.

Sa inisyal na ulat nabatid na nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng POM building.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-9:00 ng gabi.

Kuha ni Jong Manlapaz

Sinabi ni Customs Spokesperson Atty. Sandino Austria na sinecure nila ang ilang empleyado ng ahensya na sinasabing nasa gusali pa nang sumiklab ang sunog.

Isa sa mga tumugon sa sunog sa BOC ang Philippine Red Cross na nagpadala ng mga bumbero at medical team.

Isang fire truch at fire tanker na may 11 tauhan mula sa PRC National Headquarters ang ipinadala sa lugar.

Kuha ni Jong Manlapaz

Samantala, habang nasusunog ang BOC building, nagkasunog din sa Gate 1 ng Parola compound pasado 11:00 kagabi.

Nabatid na nasa tinatayang 300 bahay ang natupok at halos 1,000 katao ang apektado ng sunog.

Iniimbestigahan ang ulat na posibleng electrical overload at naiwang kalan habang nagluluto ang posibleng dahilan ng sunog.

Kuha ni Jong Manlapaz

Parehong umabot sa ikalimang alarma ang sunog sa BOC at Parola Compound.

Hanggang pasado alas 3:00 Sabado ng umaga ay wala pang ulat ng fire under control at fire out sa dalawang sunog gayundin kung may nasaktan sa sunog.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan at halaga ng pinsala sa ari-arian ng dalawang sunog.

Read more...