Iginiit ito ng poll body matapos tanungin tungkol sa posters ni senatorial candidate Christoper Bong Go sa LRT.
Ayon kay Jimenez, bawal ang anumang campaign materials sa mga imprastrakturang pagmamay-ari ng gobyerno.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na anya ang nagsabi na bawal gamitin ang mga pagmamay-ari ng gobyerno sa election propaganda.
Tiniyak ni Jimenez na makikipag-ugnayan sila sa Department of Transportation tungkol sa isyu ng campaign posters ni Go.
Matatandaang noong bago magsimula ang campaign period, binawalan ni Duterte ang mga miyembro ng gabinete sa pag-endorso sa mga kandidato sa May 13 elections.