Ang PPP fuel cards ngayong 2019 ay nagkakahalaga ng P20,514 kumpara sa subsidiya noong 2018 na P5,000 lamang.
Sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maaaring kunin ng benepisyaryo ang kanilang libreng fuel cards mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa LTO East Avenue, Quezon City hanggang sa araw ng Biyernes.
Ang mga nasa ibang rehiyon naman ay kailangang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na LTFRB Regional Office.
Maaaring ipakuha ng mga benepisyaryo ang fuel cards basta’t ipepresenta ng kanilang kinatawan ang mga sumusunod na dokumento.
- Notarized LTFRB Special Power of Attorney
- Original and photocopy ng ID ng franchise owner
- Original and photocopy ng ID ng representative
- Original OR/CR ng sasakyan
- Original copy ng CPC o Proof of Franchise
- Recent photo ng franchise owner
Inaasahang aabot sa 173,000 ang makikinabang sa fuel subsidy program.