Magnitude 3.6 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental ala-1:48 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 58 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.

May lalim na 99 kilometro ang lindol at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...