BREAKING: Gusali ng Bureau of Customs sa Maynila nasusunog

Philippine Red Cross photo

Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang gusali ng Bureau of Customs (BOC) sa 16th street South Harbour, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-9:00 ngayong gabi.

Sa ngayon ay itinaas na ang sunog sa ikalimang alarma.

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog at tumutulong na rin ang Philippine Red Cross para tiyakin ang kaligtasan ng mga tauhan ng Customs.

Philippine Red Cross photo

I-refresh ang balitang ito para sa karagdagang detalye.

Read more...