DFA: Report ng German journalist kay Locsin, “incomplete, misleading”

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang report ng German journalist na si Arnd Herze ukol kay Secretary Teddy Locsin ay “incomplete and misleading.”

Sa statement ay sinabi ng DFA na ang video na pinost ni Herze sa kanyang blog ay hindi kumpleto at mali ang nais ipahayag.

Bigo umano ang video blog na ipakita ang sadyang tangka ng dayuhang mamamahayag na hamunin si Locsin na magbigay ng kontrobersyal na pahayag.

Ang tinutukoy ng ahensya ay ang pahayag ni Herze na sinita ng Federal Foreign Office of Germany ang acting Philippine Ambassador kaugnay ng pagtatanggol ni Locsin sa unang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikinukumpara nito ang sarili kay Adolf Hitler.

Ang pagpabor ng kalihim sa Hitler statement ni Duterte ay inilabas sa website sa Germany.

Ayon sa DFA, nakakalungkot at naging biased ang representation ng naturang panayam kay Locsin.

Matatandaan na noong September 2016 ay sinabi ni Pangulong Duterte na minasaker ni Hitler ang 3 milyong Hudyo…mayroon anyang 3 milyong adik sa bansa kaya magiging masaya siyang patayin ang mga ito.

Read more...