Bahagi ng EDSA isasara sa Lunes para sa selebrasyon ng EDSA People Power Anniversary

Dalawang kalsada ang isasara para sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara ang EDSA-bound direction ng White Plains Avenue mula Corinthian Gardens Gate hanggang EDSA.

Magsisimula ang temporary closure mula alas 12:01 ng madaling-araw hanggang alas 8:00 ng gabi ng Sabado, February 23.

Maliban dito, isasara rin ang isang lane ng EDSA sa harap ng People Power Monument mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga sa araw ng Lunes, February 25.

Matatandaang noong February 23, 1986, nagpulong ang mga Pilipino sa Edsa para iparating ang panawagan ang pagpapatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Read more...