Number coding sa Lunes, Feb. 25 suspendido – MMDA

Suspendido na ang number coding sa Lunes, Feb. 25.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ay dahil deklaradong special-non working holiday ang naturang petsa.

Sa Lunes ay ginugunita ang ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Dahil natapat ng Lunes ang nasabing holiday, mayroong long weekend ang publiko kaya paalala ng MMDA kung magbabakasyon ay planuhin bg maaga ang biyahe.

Samantala, nag-anunsyo na rin ng suspensyon sa number coding sa Lunes ang Makati City Traffic.

Read more...