Magnitude 7.7 na lindol tumama sa border ng Peru at Ecuador

Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang border ng Peru at Ecuador.

Naitala ang lindol alas 6:17 ng gabi ng Biyernes (Feb. 22) oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, may lalim na 156 kilometers ang lindol.

Sinabi naman ng Phivolcs na hindi magdudulot ng banta ng tsunami sa baybayin ng bansa ang naturang lindol.

Read more...