Ayon sa korte, itinakda ang pagdinig sa March 20, 2019 at inaasahang ipiprisinta ng proseksuyon ang kanilang mga ebidensya.
Matatandaang na-dismiss ang kaso taong 2011 matapos bigyan ng amnestiya si Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino III.
Ngunit, binawi ang amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation 5-7-2 dahil kulang umano ang amnesty requirements ng senador kabilang ang pagsusumite ng application form at admission of guilt.
Noong September 25, 2018, inilabas ni Makati R-T-C Branch 150 Judge Elmo Alamdea na mayroong “factual and legal basis” ang inisyung Proclamation No. 5-7-2 ni Duterte.