3 patay sa magkakahiwalay na insidente ng shootout sa Batangas

Police banner

Patay ang tatlo katao sa magkakahiwalay na shootout sa Batangas, araw ng Biyernes (Feb. 22).

Sa ulat ng Calabarzon police, napatay ang hinihinalang drug pusher na si alyas Dan sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Malvar dakong alas tres bente ng madaling-araw.

Nagsimula umanong magpaputok ng kalibre .45 na baril ang suspek matapos matunugang pulis ang katransaksyon.

Sinubukan pang tumakas ng suspek gamit ang kaniyang motorsiklo patungong Barnagay San Pedro 1 ngunit nahuli rin ng mga pulis.

Sa kaparehong oras sa San Jose, dead-on-arrival ang isang hindi pa nakikilalang lalaki ang napatay sa shootout sa Barangay Taysan.

Napansin ng mga pulis ang lalaking nakasuot ng hoodie at may takip na mask sa mukha malapit sa mga ininspeksyong feed mills at iba pang establisimiyento sa bahagi ng national highway.

Nang lapitan ng mga pulis, bigla umanong nagpaputok ng baril ang suspek laban sa mga pulis.

Gumanti ng putok ng baril ang pulisya at dito na tinamaan ang suspek.

Samantala, patay din ang tulak ng droga na si Christopher Reynaldo sa buy-bust operation sa Barangay Sinala, Bauan pasado alas onse, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, si Reynaldo ang unang nagpaputok laban sa mga pulis.

Nasawi rin ang suspek habang dinadala sa Bauan Doctors General Hospital.

Read more...