Residential area nasunog sa Pasay City

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Pasay City, Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Fire Officer 1 Reiner Bolorota ng Pasay City Fire Bureau, nagsimula ang apoy sa bahagi ng Mulawin St. sa Brgy. 187 Maricaban, Pasay City alas 12:40 ng tanghali.

Agad itong itinaas sa 2nd alarm makalipas lamang ang ilang minuto.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Ayon sa Pasay BFP, ala 1:39 naman ng hapon nang maideklarang kontrolado na ang apoy.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

Read more...