Dating AFP chief inabswelto sa kasong graft ng Sandiganbayan

Inabswelto ng Sandiganbayan sa kinakaharap na kasong graft si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Diomedio Villanueva.

Ang kaso ni Villanueva ay nag-ugat kaugnay sa pagpasok umano nito sa maanomalyang transaksyon nang siya ay naitalaga bilang pinuno ng Philippine Postal Corporation.

Ayon sa Sandiganbayan 1st division, nabigo ang prosekusyon na patunayang guilty beyond reasonable doubt si Villanueva.

Si Villanueva na naitalaga bilang postmaster-general matapos magretiro sa militar ay inakusahan ng paglabag sa section 3(e) ng R.A. 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Ito ay matapos bigyang pabor umano nito ang Philpost USA na isang pribadong kumpanya nang mag-refund ito ng P53 million na halaga ng terminal dues para sa mga ipinadalang liham.

Si Villanueva ay nagsilbing AFP chief mula 2001 hanggang 2002 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Read more...