Chris Hemsworth, gaganap bilang Hulk Hogan sa isang biopic film

Credit: Variety

Nakatakdang isapelikula ang buhay ng 80s at 90s wrestling icon na si Terry Bollea o mas kilala sa tawag na “Hulk Hogan”.

Gagampanan ito ni Chris Hemsworth na tanyag bilang si “Thor” at ang pelikula ay ipalalabas sa Netflix.

Si Hogan ay labindalawang beses na nagwagi bilang world champion at anim na beses naging WWF World Heavyweight Champion/WWF Champion.

Maliban sa pagiging isang propesyunal na wrestler, isa rin siyang aktor, entreprenyur at musikero.

Si Todd Phillips ng “The Hangover” at “Old School” ang direktor nasabing pelikula.

Inaasahang ipakikita rito ang kwento kung paano sumikat si Hogan.

Sa ngayon ay hindi pa inaanunsyo ng Netflix kung kailan ito ipapalabas.

Read more...