LOOK: Tindahan tinupok ng apoy sa Cainta

Tinupok ng apoy ang isang sari-sari store sa bakanteng lote sa Felix Avenue sa Cainta, Rizal.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sumiklab ang apoy pasado alas 9:00 ng umaga ng Biyernes, Feb. 22.

Sa panayam ng Inquirer.net kay Sr. Fire Inspector Ericson Malamug, Cainta Fire Station ground commander gawa sa light materials ang tindahan.

Umabot sa unang alarma ang sunog at naapula alas alas 9:35 ng umaga.

Wala naman nang iba pang nadamay sa sunog.

Read more...