Dalawang lalaki arestado sa operasyon kontral ilegal na droga sa Maynila

MPD Photo

Naaresto ang dalawang lalaki ng mga tauhan ng MPD Sampaloc Police Station 4 sa isinagawang anti illegal drugs follow-up operation sa Felix St., kanto ng Pedro Gil, Pandacan Manila.

Ang mga suspek ay kinilalang sina sina Christian Lubao, 38-anyos at Jeffrey Andal, 43-anyos.

Nakatakda silang sampahan ng kasong paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165.

Sa ikinasang anti-criminality operations nakuha sa mga suspek ang apat na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na dinala na rin sa crime laboratory upang suriin.

Read more...