Sa tweet ng @MyRizalPH, tinawag nito atensyon ng Comelec at ibinahagi ang kopya ng pagsusulit.
Sa nasabing exams, kabilang sa tanong ang “Sino ang masipag at nagbibigay serbisyong totoo, ang namumuno sa Lungsod ng Pasig?
At kabilang sa pagpipiliang sagot ay ang mga pangalang, Hon. Rocky Eusebio, Hon Robert “Bobby” Eusebio”, at Hon. Rob Eusebio.
Makikita sa larawan na letrang B ang isinagot ng mag-aaral sa tanong at ito ay si Hon. Robert “Bobby” Eusebio na kasalukuyang mayor ng Pasig at tumatakbong muli para sa May 2019 elections.
Ang nasabing kopya ng exams ay orihinal na ibinahagi ng “Pasig para sa Pagbabago” FB page na ipinadala umano ng ina ng estudyante.
Sa caption, sinabing nag-alala ang ina ng estudyante dahil tila mind conditioning ang naturang tanong.
Hinihingi din ni Jimenez at kumpletong detalye at impormasyon sa insidente.