Nike umaani ng batikos matapos mawasak ang sapatos ng isang basketball player sa kasagsagan ng game

Umaani ngayon ng batikos ang kumpanyang Nike matapos mawasak ang sapatos ng basketball player na si Zion Williamson sa kasagsagan ng laban ng kanilang koponan noong Miyerkules.

Nagtamo din ng knee injury si Williamson, forward ng Duke University matapos na mapaupo nang masira ang kaniyang sapatos, 36 na segundo pa lamang nang magsimula ang laban nila sa University of North Carolina.

Humiwalay ang sole ng suot na Nike hightops ni Williamson.

Dahil sa nasabing insidente hindi na nakapaglaro sa buong game si Williamson.

Ayon sa Twitter account ng koponan, nagtamo si Williamson ng Grade 1 right knee sprain.

Agad namang dumami ang puna sa social media at ang ilang netizens sinabing dapat humingi ng paumanhin ang Nike dahil sa nangyari.

Read more...