Hokkaido, Japan niyanig ng magnitude 5.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Hokkaido sa Japan.

Ayon sa US Geological Survey naganap ang lindol alas 9:22 ng gabi oras doon at may lalim itong 41 kilometers.

Naitala ang epicenter ng pagyanig sa 55 kilometers southeast ng Sapporo City.

Ayon sa Japaneses meteorological agency, wala namang banta ng tsunami matapos ang pagyanig.

Wala ring napaulat na pinsala na naidulot ng lindol.

Read more...