Ito ay kung maitataas sa 95 percent ang immunity ng publiko laban sa tigdas.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umaasa silang matatapos na ang outbreak kapag umabot sa halos 100 porsyento ang naabot ng bakuna laban sa naturang sakit.
Hanggang Febuary 20 anya ay mayroon 11,459 kaso ng tigdas sa buong bansa, mas mataas sa 2,673 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa ngayon ay nasa 189 na ang nasawi sa tigdas para sa kasalukuyang taon.
Ang tigdas ay maituturing na highly contagious na sakit na sanhi ng virus na pwedeng maikalat sa pamamagitan ng pagbahing, ubo at kontak sa taong may tigdas. (Len)
MOST READ
LATEST STORIES