2 umanoy magnanakaw ng motorsiklo, patay sa QC

Patay ang dalawang umanoy magnanakaw ng motorsiko sa enkwentro sa mga pulis sa Payatas Road, Quezon City Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na report ng pulisya, sinasabing nagnakaw ng mga motorsiklo ang dalawang suspek.

Nagkaroon umano ng habulan at nasukol ang mga suspek sa damuhang bahagi ng lugar

Nagpaputok umano ang mga suspek sa pulisya, dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at pagtukoy sa pagka-kilanlan ng dalawang suspek.

Read more...