Gilas inilampaso ang Qatar sa FIBA Asia qualifier

Inilampaso ng Gilas Pilipinas ang Qatar sa kanilang qualifying game sa 2019 Fiba World Cup na ginanap sa Doha sa score na 84-46.

Pinangunahan ni Andray Blatche ang panalo ng Pilipinas sa ginawa nitong 17 points , 15 rebounds, pitong assists, dalawang blocks at dalawang steals.

Nagdagdag ng 14 points si Marcio Lassiter; 13 points, seven rebounds si Paul Lee; 11 points kay Jayson Castro at 10 points naman kay Japeth Aguilar.

Sa ngayon ay 6-5 na ang kartada ng Gilas sa Group F habang mayroong dalawang panalo at siyam na talo ang Qater.

Dahil isang laro na lamang ang tsansa ng Gilas, dapat talunin ng koponan ang Kazakhstan sa Linggo para tuluyang makaabante sa World Cup sa China sa Agosto

Read more...