FEU kinondena ang cyberbullying laban sa kanilang atleta

Kinondena ng Far Eastern University (FEU) ang cyberbullying sa isa nilang student-athlete na nasangkot sa malisyosong video na kumakalat ngayon sa internet.

Sa isang pahayag, pinalagan ng FEU ang maling pagsangkot sa isa nilang atleta na umanoy nasa isang sex video na viral sa social media.

Ayon sa unibersidad, isa itong malinaw na cyberbullying na nagreresulta sa negatibong psyhological effects sa isang tao.

Ang pangyayari anila ay nakakasira sa sinumang indibidwal gaya ng naturang FEU athlete.

Sa ngayon ay inirereport ng taga-suporta ng hindi pinangalanang atleta ang mga social media users na nagshi-share ng link ng nasaing video.

Hinimok ng FEU ang publiko na iwasan na muling mangyari ang insidente.

Nabatid na hindi naglaro sa laban ng Lady Tamaraws noong Miyerules ang naturang atleta.

Read more...