Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaring pina-imbestigahan ng Pangulo si Lim nang itanggi nitong sangkot siya sa illegal na droga.
Matatandaan na noong nagpulong ang Pangulo at si Lim noong 2016, pinabulaanan ng negosyante na may ginagawa siyang illegal sa bansa.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na walang impormasyon ang Malakanyang kung nasaan na si Lim matapos magtago noong nakaraang taon.
Wala rin aniyang feeler na ipinaabot si Lim sa gobyerno.
Una rito ay pinayuhan ng Pangulo si Lim na magpakamatay na lamang sa halip na sumuko sa kanya ng buhay.
Ayon sa Pangulo, kapag sumuko si Lim ay ikukulong niya ito ng 200 taon.