Tandang Sora flyover, isasara sa March 2 – MMDA

May paglilinaw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa petsa ng pagsasara ng Tandang Sora flyover sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang closure ng naturang flyover ay sa March 2, 2019, alas-onse ng gabi.

Kaninang umaga ay inanunsyo ni Garcia na sa March 1, 2019 ang pagsasara ng Tandang Sora flyover.

Nauna nang humiling ang Quezon City local government na ipagpaliban ang February 23 schedule para isara ang flyover, dahil maraming residente ang nabigla at hindi nasabihan.

Ang pagsasara ng Tandang Sora flyover ay kailangan para bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit 7 (MRT-7).

Gigibain ang flyover, kaya inaasahan ding magdudulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko.

Read more...