Ikatlong bloke ng cocaine natagpuan sa Mauban, Quezon

Quezon Provincial Police Office photo

Isa na namang bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan sa Mauban, Quezon province araw ng Huwebes.

Ayon kay Calabarzon regional police office information officer Supt. Chitadel Gaoiran, nakita ng isang 15 anyos na estudyante ang bloke ng hinihinalang bawal na droga sa baybaying dagat ng Barangay Cagsiay II sa harap ng Lamon Bay sa Pacific Ocean bandang alas 12:00 ng tanghali.

Kinunan ng litrato ng estudyante ang package bago ito binuksan para makita ang laman nito.

Tinago pa ng estudyante ang package at saka lamang sinabi sa kaniyang kapatid.

Kalaunan, iniulat ng dalawa ang package sa 59th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ito na ang ikatlong bloke ng cocaine na natagpuan sa nasabing probinsya.

Read more...