Tiniyak ng Malacanang hindi ipangbabala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide martial law para tugunan ang problema sa illegal na droga.
Pahayag ito ng palasyo matapos igiit kahapon ni Pangulong Duterte na itinaas na niya sa national security threat ang problema sa illegal drugs.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maari namang ipangsangkalan ng pangulo ang martial law lalo na kung ang seguridad ng publiko ang pag uusapan… pero hindi aniya ito gagamitin ng pangulo.
Maituturing pa rin aniyang epektibo ang kampanya kahit patuloy na namamayagpag ang pagpasok ng illegal na droga sa bansa.
Paliwanag ni Panelo, dahil sa laki ng pera at geography ng Pilipinas ay madaling maipuslit ang droga lalo’t sa dami ng isla ng Pilipinas.
Iginiit pa ni Panelo na bahagi ng utos ng pangulo sa mga otoridad na maging mas aktibo sa intelligence gathering para mas marami pa ang mahuli at mapanagot
Matatandaang kahapon lamang, sinabi ng pangulo na mas magiging madugo pa ang kampanya sa droga sa mga susunod na araw.
“If there is rebellion and there is eminence, and the public safety requires it, he will do it. But according to him he will not because he has still many measures that he can do to quell the present trheat on the drug industry,” ayon pa sa kalihim.