Expanded Maternity Leave Bill nilagdaan na bilang ganap na batas ni Pang. Duterte

(BREAKING) Nilagdaan na bilang isang ganap na batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave bill.

Sa ilalim ng nasabing batas, mayroon nang 105 days na paid maternity leave ang lahat ng nagtatrabahong nanay.

Sakop nito ang mga nanay na nagtatrabaho sa government at private sector.

May opsyon din sila na i-extend pa ang kanilang leave ng 30-araw pero leave without pay na ito.

Ang mga Solo mother naman ay makakukuha ng dagdag pang 15 days na leave.

Read more...