Pagsasara ng Tandang Sora flyover sa Mar. 1 na gagawin sa halip na Feb. 23

Sa halip na sa February 23, 2019 na orihinal na schedule ay sa March 1, 2019 na lang alas 11:00 ng gabi gagawin ang pagsasara sa Tandang Sora flyover.

Ang closure ay tatagal sa loob ng dalawang taon para bigyang daan ang konstruksyon ng Tandang Sora station ng MRT-7.

Ang pagpapaliban sa closure ay inanunsyo ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Ito ay matapos ang hirit ng Quezon City government sa isinagawang public consultation kahapon.

Inatasan naman ni Garcia ang mga tauhan ng MMDA na magsagawa ng clearing operations o tanggalin ang mga obstruction sa Tandang Sora, simula sa darating na Lunes.

Kinumpirma rin ni Garcia na mag-uumpisa ang actual demolition ng Tandang Sora Flyover sa kalagitnaan ng buwan ng Marso.

Samantala ayon naman sa Department of Transportation (DOTr), bagaman nais nilang mapabilis ang konstruksyon ng MRT-7 ay nauunawaan naman nila ang epekto nito sa mga motorista, commuters at mga residente sa lugar.

Sinabi ng DOTr na sa kasagagan ng postponement, mabibigyang pagkakataon ang mga ahensya para i-manage ang traffic plan at situation sa bahaging iyon ng Commonwealth Avenue.

Read more...