Konstruksyon ng kauna-unahang subway sa bansa uumpisahan na sa susunod na linggo

Sisimulan na sa susunod na linggo ang kosntruksyon ng kauna-unahang subway sa bansa, ang Metro Manila Subway.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa February 27, araw ng Miyerkules isasagawa na ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto.

Ang Metro Manila Subway ay kapapalooban ng 15 istasyon mula sa Quirino Highway hanggang sa NAIA Terminal 3 at FTI.

Sa bilis na 80 kph, inaasahang aabot lang 30 minuto ang biyahe mula North Avenue hanggang NAIA at FTI.

Sa taong 2022 target na mabuksan at maging operational ang unang tatlong istasyon ng Subway sa Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue.

Habang ang full operation nito ay aasahan sa 2025.

Read more...