Maine Mendoza nag-post ng larawan nila ni Arjo Atayde sa kaniyang IG

Grab from Maine Mendoza’s IG stories

Nagbahagi ng larawan nila ng aktor na si Arjo Atayde si Maine Mendoza sa kaniyang IG Stories.

Ipinost ni Maine ang larawan nila ni Arjo habang nasa MAC Cosmetic event kung saan inilunsad si Maine bilang bagong mukha ng MAC Studio Fix Foundation.

Sa nasabing larawan makikita si Maine sakay ng isang wrecking ball at nasa likod niya si Arjo.

Nilagyan ito ng caption ni Maine na “uy, may fan.”

Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Maine ng may kaugnayan sa aktor.

Read more...