Nakipagpulong si Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Leslie Baja kay Israel Ministry of Foreign Affairs Deputy Director General Gilad Cohen hinggil sa usapin.
Hiniling ni Assistant Secretary Baja kay Cohen na bilang bahagi ng mabuting relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Israel ay marapat lamang na tratuhin ng maayos ang mga overstaying Filipino na kailangan nang mapabalik ng Pilipinas.
Lalo na ayon kay Baja at mayroong mga bata kasama ang kanilang mga magulang na kasama sa maaring mapa-repatriate.
Iginiit din naman ni Baja kay Cojen na responsibilidad ng mga Filipino workers na sundin ang immigration laws sa Israel.
Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola inihanda na ng DFA ang reintegration assistance sa lahat ng mapapauwing Pinoy.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa OWWA para sa dagdag na tulong sa mga uuwing manggagawa.