Opisyal ng coast guard sa Palawan na naaresto sa pangingikil, sinuspinde na ng PCG

Coast Guard Ensign Allison Tindog | FB Photo

Isinailalim na sa preventive suspension ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang nilang opisyal sa Palawan na naaresto dahil sa pangingikil.

Si Ensign Allison R. Tindog, Operations Officer ng Coast Guard District Palawan ay dinakip sa Puerto Princesa City noong Martes (Feb. 18) ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay matapos na ireklamo si Tindog ng pangingikil ng halagang P80,000 at P50,000 mula sa mag-asawang negosyante na nagmamay-ari ng yate.

Sa pahayag na inilabas ng PCG, buo ang kanilang suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korapsyon.

Hindi umano kukunsintihin ng coast guard si Tindog at sinumang opisyal o tauhan nilang masasangkot sa katiwalian.

Maliban sa isinailalim na sa preventive suspension ay nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang coast guard laban kay Tindog para sa posibleng kasong administratibo.

Read more...