Earthquake Drill sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City maagang nagsimula

Bagaman alas 2:00 pa ang itinakdang 1st quarter nationwide simultaneous earthquake drill ngayong araw, sa ilang lugar sa Quezon City maagang isinagawa ang drill.

Alas 7:00 ng umaga, umarangkada na ang earthquake drill sa parking area ng SM Fairview.

Alas 10:00 naman ng umaga makikilahok sa drill ang mga mag-aaral ng Benigno S. Aquino Jr. Elementary School sa Barangay Commonwealth.

At mamayang alas 2:00 ng hapon, makikilahok sa sabayang nationwide drill ang Quezon City General Hospital at Quezon City Hall.

Sa abiso ng QC Local Government, isasara sa mga motorista ang City Hall sa kasagsagan ng drill.

Read more...