Nakararanas pa rin ng matinding winter storm ang East Coast ng U.S dahilan para makansela ang daan-daang flights, at ipasara ang federal offices sa Washington.
Ayon kay Bryan Jackson, meteorologist ng National Weather Service Weather Prediction Center sa College Park, Maryland, naging malawakan ang pinsala ng winter storm sa Washington area.
Umabot sa 6 inches ang kapal ng snow sa mga kalsada ng New York metropolitan area na nagdulot ng matinding trapik sa lugar.
Sa ibang bahagi naman gaya ng Arizona, Colorado, New Mexico at Utah, umaabot na sa 1 foot-2 feet ang kapal ng snow sa mga naturang lugar
Naging dahilan ito para pilitang isara ng mga federal agencies sa Washington pati na din ang mga eskwelahan sa Philadelphia, Baltimore at sa nation’s capital.