PUBLIC SERVICE: Scheduled water service interruption ngayong araw, Feb. 20

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang ilang mga barangay sa Makati City.

Ayon sa abiso ng Manila Water ito ay dahil sa kanilang line meter at line valve replacement.

Mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na barangay:

• Guadalupe Viejo
• Pinagkaisahan
• Pitogo
• San Antonio

Pinayuhan ng Manila Water ang mga residente sa lugar na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin para sa nasabing oras.

Read more...