Sa isang panayam iginiit ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na buhat nang magsimula ang campaign period ay dapat wala ng products advertisements ang mga kandidato.
Alam anya ng mga contractors na papasok ang campaign period at hindi na problema ng Comelec kung matutupad o mababali ang nakasaad sa mga kontrata.
Ayon kay Guanzon, hindi maaaring bumuo ng isang kontrata na labag sa mga batas at polisiya.
Sinabi ng polly body official na kailangan nilang ipatupad nang mahigpit ang campaign rules dahil sa kritisismo na kulang sila sa ngipin sa pagpapatupad ng mga batas.
Matatandaang noong nakaraang Linggo ay nagsimula na rin ang dokumentasyon sa illegal campaign materials ng mga kandidato.