Magtatapos na bukas, (Feb. 22) ang early registration para sa mga estudyanteng papasok ng Kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2019-2020.
Dahil dito, hinikayat ni Education Undersecretary Jesus Mateo ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak dahil makatutulong ito sa Department of Education sa paghahanda sa pasukan sa Hunyo.
Layon ng early registration na matukoy ang dami ng bata na papasok sa susunod na taon para malaman ang kailangang budget.
Inaasahang nasa isang milyon ang papasok ng kindergarten at 1.5 milyon naman sa senior high school sa paparating na taong panuruan.
Hindi na kailangang magpalista sa early registration ang Grades 2-6, 8-10 at Grade 12.
MOST READ
LATEST STORIES