Magnitude 5.1 na lindol tumama sa Turkey

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang western coast ng Turkey araw ng Miyerkules o Huwebes ng madaling araw oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang pagyanig malapit sa bayan ng Canakkale.

Nangyari ang lindol 20 kilometro sa Timog ng Canakkale.

Wala pang detalye kung may nasaktan gayundin ang pinsala ng lindol.

Pero nabatid na ilang aftershocks na ang naramdaman.

Read more...