Duterte pabor na ilabas ang narco list bago ang May 13 elections

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala ni Interior Secretary Eduardo Año na ilabas ang narco list bago pa man ang May 13 midterm elections.

Ito ay para makilatis ng mga botante ang mga kakandidato sa susunod na halalan.

Ayon sa Pangulo, galit siya sa droga.

Gayunman, sinabi ng punong ehekutibo na bahala na si Año na magdesisyon sa naturang isyu.

Wala aniya sa kanyang karakter na pakialaman ang trabaho ng kalihim ng DILG.

Read more...